Pages

Friday, April 22, 2011

not so 'holy' week

Holy Week ngayon kaya punuan ang mga flights namin.  Ang unang araw ng pasok ko ngayong linggong ito ay kahapon, Maundy Thursday. Ito ang simula ng mahabang bakasyon para sa karamihan kaya medyo traffic ang mga dadaanan. 4 na pasahero ang na-late ng araw na to, sa kasamaang palad di na talaga sila nakasakay. At lahat sila ay inaway ako. Okay lang, medyo kaya pa. Migraine attack lang naman nun hapon ang napala ko sa kanila. Pero walang tatalo ngayong araw na ito. Quota na lahat ng klase ng mura! Mayroon 1 pasahero na sa bawat sasabihin nyang salita may kasamang 'bullsh*t' lalo na kapag nagpapaliwanag ako sa kanya. Pero ang winner na winner sa lahat ay ang Pranses na pasahero ko. Kung baga sa beauty pageant siya ng kokoronahan; grand slam, hinakot lahat ang award!



fra pax: if i were a terrorist, i will shoot you first (points to my colleague), and then you (points at me). this country is so f*cked up! f*ucked up! f*ck it! sh*t!

Gaya nga ng nasabi ko sa inyo dun sa isa kong post, read here; i eat death threats for breakfast! Award ang kanyang mga banta. Pagdating sa Immigration nang-away pa ulit cia. Ayun, balita ko hindi na cia pwedeng makabalik pa dito sa bansa natin ever!

Ang Good Friday ko naging BAD Friday. Sana bukas, mas okay na at wala ng pasaway.



No comments: