noong bata tayo lahat tayo tinuruan ng ABaKaDa o para sa mga sosyal ABC (US alphabet). pag pinapakanta nila ako dati naiinis ako (may attitude problem?! ui, wala naman). Ganito kase yun, kakanta ako ng A Ba Ka Da pagdating sa parte ng Ra naiilang na ko kase hinde ko masabing 'RA'! ang lumalabas na sound ay 'WA', hinde alam kun baket ganun.
isa sa theory na narinig ko ay ang maikling dila theory. maikli daw kase dila ko so hinde kaya makapagproduce ng sound na 'R". hinde ko alam kung may scientific research tungkol dito... hinde ko rin alam kung possible ito. wehehe!
hmmm... aking napag isip isip baka naman phase lang ito...paglipas ng taon makakaya ko na rin mabigkas ang letter R. isa sa kinamumuhian kong activity nun bata ako ay ang AEIOU! mayabang pa ko nun...isinisigaw ko pa bawat bigkas ko A! E! I! O! U!
ay nightmare ito! bangungot in broad daylight!
teacher: RA
gaiLie: WA
teacher: RE
gaiLie: WE
teacher: RI
gailie: WI
teacher: RO
gaiLie: WO
teacher: RU
gaiLie: WU
hay, panalo ang childhood ko, di ba?!
naalala ko pa dati...bago matulog sa hapon, pinapraktis ako ng pinsan ko. pinapabigkas nya pangalan nya paulit-ulit. (baka nga naman makuha sa praktis!)
ricci: sabihin mo Ricci (ri-chi)
gaiLie: ate Wichi
ricci: hinde sabihin mo Ricci! Ri (ree) Cci (chi) san ka pa may syllabication pa! baka makuha ko daw pag mabagal ang pagbigkas ko.
ricci: sabihin mo Ramie
gaiLie: Wamie!
ricci: Relo! Rolex! Roskas! Raket! Rosas!
lahat ata nang maisip nyang salita na nagsisimula sa letrang 'R' pinapabigkas nya sa saken! wa epek! wa improvement! kaya ayun, tinigil na lang namen ang aming R sessions.
hayskul!
hay... hay layp talaga! ultimo pagbaba sa jeep pinoproblema ko! pag malapit na bumaba pinagdadasal ko na sana may makasabay ako...para may pumara para saken. minsan meron naman ako kasabay (hay, salamat!) pero kadalasan wala! eh ang turo ng nanay ko, wag na wag ako kakatok sa jeep pag papara kase hinde daw maganda un, parang walang manners; mas no-no naman ang pagsitsit. so, what am i to do?! sumisigaw ako ng malakas na malakas na PAWA!!! pero palagi lumalampas...hinde ko alam kung kulang ako sa sigaw o hinde lang nya naintindihan. nakaisip ako ng solusyon sa aking dilemna...hinde ko na sasabihing PAWA! ang sasabihin ko na, 'sa kanto lang po'! in fairness, effective! nasanay na ko, confident na ko pumara ngayon!
palagi traffic sa Kamuning Road, hinde ko alam kung sino drayber ang nagpauso na dumaaan sa K-1st pero nagsunuran ung ibang mga jeep pati na rin un sinasakyan ko. ayuz! taga K-1st ako so hinde na ko maglalakad, saktong sakto sa bahay baba ko. hinde na ko maglalakad ng isang kanto! yahu! un ang akala ko...nung makita ko na gate namen...na excite ako! "Manong, sa kanto lang po!" (ayan, overconfident, nasanay sa spiel! wahaha) ciempre, hinde huminto si manong drayber kase malayo pa naman un susunod na kanto. nainis ako, manong PAWA po!!! hininto naman nya...pero pinagalitan nya ako kase wala naman daw kanto dun. (actually, may point si Manong!). i made a mental note na kapag lumiko sa K-1st ang spiel ko, 'Manong, sa tabi lang po!' wehehe! problem solved!
fast forward! gaiLie at work!
minsan ang hirap mag explain, mag recap lalo na kung tongue twister ang first name and last name ng guest. hirap na hirap ako lalo na kapag nasa last nun letter R at tsaka ung dapat na pagpronounce dapat medyo matigas. ay, ang hirap effort ito!
... Ms. NavaRRo
... Mr. Roman RomeRO
... Mr. DuvaRaju SundaR
you have 1 (one) bag tagged to Kuala LumpuR
... Mr. Roman RomeRO
... Mr. DuvaRaju SundaR
you have 1 (one) bag tagged to Kuala LumpuR
hay...winner sa tongue twister! minsan feeling ko umOO na lang ang mga guest kahit gusto nila ko i-correct sa pag pronounce ng surname/first name nya! siguro masaya life ko kung kaya ko bigkasin ang letter 'R', lalo na ung parang pinagroroll nila dila nila...un mahabang pagbigkas nun letter 'R'... kakainggit un! pwede ko na sabihin GRRR! GRRR! pero mas okay na rin ung ganito...naging mas makulay buhay ko... akalain mo, sa age kong ito may nagpapabigkas pa saken ng RR Herrera! winner na winner! wahaha!
* ang kwento na inyong nabasa ay halaw sa tunay na buhay!
No comments:
Post a Comment