Pages

Saturday, May 29, 2010

prince charming

I have finally found him!

One fine afternoon, we went to our house and I introduced him to my family. Mom, Dad, aunts and uncles graciously accepted him. He was a welcome addition to the family. He bonded well with the clan, and I was very proud of him.  I saw him playing with the kids, having a grand time goofing around with them. Maybe he sensed that I was looking at his direction,he glanced at me and smiled. I smiled back and felt loved. awww...bliss!

then, suddenly I heard my mom calling me! *poof* dream gone. dream over!

I could dream like that forever! I woke up with a smile on my face and feeling giddy. I wish I could go back to my dream. But I should know better, to make this come true, first, I have to wake up!

I know someday soon, this dream will become a reality. :D

Saturday, May 22, 2010

babae po ako...

...yan ang gusto kong sabihin sa mga ka-opisina ko.  di naman ako mukhang lalaki pero ang di ko maintindihan ay kung bakit pag wala ang mga boys, ako ang AUTOMATIC na gumagawa ng mga trabaho nila!
  • dahil ba boyish ako kung kukumpara mo sa kanilang 3 girls?! di naman ako tibo (although i have nothing against them).
  • dahil ba di ako mahilig mag make-up?! kaya akala nila okay lang saken pumunta palagi ng rampa.
  • dahil ba di ako vain?! kaya akala nila okay lang saken mabilad sa araw.
minsan di ko lang kase matanggap na ako na lang palagi ang humahalili sa mga duty ng mga boys pag wala sila. alam ko naman na kasama rin yun sa duties and responsibilities namen, ang akin lang, pantay-pantay naman kame lahat eh bakit sa pag 'close counter' hindi. ano ba criteria bat ako palagi napipili?! nasabi ko naman na sa kanila itong mga concern ko kaya lang pabiro kaya siguro hinde nila sineryoso.

tsk.tsk. huway me?! huway?!

Wednesday, May 19, 2010

treyning eksperiyens

pagkatapos ng 4 na araw, nakabalik naman ako ng buhay, mga 3 araw lang naman ako hinde nakakain ng maayos. sa totoo lang, okay naman yung training ko. bomb threat, emergency response, first aid (cpr) at dangerous goods. exciting topics di ba? napaka relevant! parang ang target ng mga terorista ngayon ay ang aviation/airline industry kaya kailangan maging alert at handa. 

day1
makalipas ang 2 taon, umayos naman na ang sistema ng pagsundo at paghatid sa mga dumadating na trainees gaya ko.siguro noon kase kakalipat pa lang sa condo kaya di pa plantsado ang mga procedure sa paghatid at pagsundo.
***
wala pang tao pagdating ko sa condo, habang nag-aantay,binuksan ko ang aircon at naisipan kong maglaro ng plants vs zombies sa may sala. mayroon akong narinig na tumunog pero di ko pinansin hanggang naging sunod-sunod na yung tunog at naging constant. nainis na ako at hinahanap kung saan nanggagaling yung tunog. ang naririnig ko pala ay ang pagpatak ng tubig mula sa aircon at ang napapatakan nito ay ang TV at and DVD player! HALA! PANIC MODE! wala akong makitang basahan , buti na lang may rolyo ng tisyu sa lamesa. hay, adrenaline rush! binuksan ko yung TV, testing lang kung gagana, salamat po at gumana naman! di ko lang alam dun sa DVD, deadma na lang! (secret na lang naten ha, wag nyo ko isumbong.)
***
dumating na ang mga housemates ko. pagkatapos magpakilala at konting chika. tinanong ko sila kung san sila kakain ng hapunan, magluluto na lang daw sila ng noodles. concern naman sila saken, sabe nila tumawid lang daw ako sa kabilang kanto at may kainan daw dun. bumili na lang tuloy ako ng instant cup noodles sa convenience store sa may lobby. habang nag-iinit ako tubig, busyng-busy sila sa pagkukwentuhan sa salitang di ko maintindihan.(alam nyo kung san ang mga red shirt protestors, taga doon mga housemate ko). nakakahiya naman na makisali sa kanila kaya sa sala na lang ako kumain at nanood ng tv. (ang totoo nyan tinesting ko lang kung gumagana pa ang tv. hehe!) siguro sadyang ugaling pinoy lang talaga ang nag-aaya/nag-aalok pag kumakain, hinde naman sa gusto kong makikain sa pagkain nila, naisip ko lang kase na kung ako yung nasa lugar nila, mag-aalok din ako ng pagkain. hay, 1ST NIGHT pa lang to, GOODLUCK!

day 2

0530 pa lang gising na ako, ayoko na maulit yung dati na naiwan ako ng bus. alam nyo yung feeling ng new kid sa unang araw ng pasukan, ganun ang nararamdaman ko. buti na lang mabait ang seatmate ko sa bus, at classmate ko pala cia sa training. masaya naman ang training, madami nanaman akong nakilala sa iba't-ibang parte ng Asya. 
***
uwian na, may bago akong pag-asa! mukhang may makaksabay ako kumain ng hapunan dahil fwends na kame ni seatmate! gutom na gutom na ako di ako nakakain ng mabuti nung lunch dahil kakaiba mga pagkain sa cafeteria. noong mga nakaraang training nakakakain pa ko ng maayos, okay pa mga pagkain nila pero ngayon di ko talaga makain. kaya nilakasan ko na loob ko at tinanong ko si seatmate kung san siya kakain dinner. sabe nya lalabas daw siya at kakain sa tapat. di na ko nagkaroon ng lakas ng loob na i-self-invite ang sarili ko sa lakad nya. bigla na ko nahiya. :(  pagdating nung bus sa condo, yung 2 kong housemate hindi umakyat nakita ko tumawid sila sa tapat, marahil ay doon sila kakain dinner. kaya mag-isa nanaman ako kumain ng hapunan kasama ang 1 cup noodle at 1 slice ng banana cake. na-DIEt ako ng di oras!

day 3

exciting ang first aid, mag-CPR nanaman kame. may practical exam. nagdadasal ako na wag akong sumunod dun sa lalaki kong classmate, gusto ko babae ang susundun ko. habang nagdadasal ako na wag ako tawagin, tsaka ko naman narinig ang instructor na, 'okay, next is ms. philippines'. NYIKES! PATAY NA!
***
lunch time, nakita ko ang menu, mukhang promising! makakain na ako, ayuz! ang pinili ko ay squidball with tofu (parang tokwa't baboy saten, pero instead na baboy ginawang squidball. bawal kase baboy dun kase muslim country yun eh). tsaka togue na may sabaw ang inorder ko. pwede! pagkain ko walang lasa yung squidball, at yung toyo na sabaw nya wala rin lasa. yung togue naman sobrang anghang! kumakain ako ng maanghang na pagkain pero ito di ko kinaya. lunch: FAIL!
***
dinnertime, tinanong ako seatmate ko kung saan ako kakain, sabi ko baka sa kwarto ko na lang ako kakain. inaya nya ako kumain sa labas kung gusto ko daw, naawa siguro saken kase alam nya 2 gabi na ko kumakain ng instant noodles.8pm, nagkita kame sa lobby.
***
habang nagkukwentuhan kame, nalaman ko na parehas pala kame ng sentimiento, nalulungkot din cia pag nakatira kame sa condo. hinde nga kase accessible. di rin nya gusto na 1 lang ang pinapadala pag may training, parehas kase kame na maliit ang station. kaya isa-isa lang ang napapadala. sabi pa nya dapat yung mga magkakaklase ang magkakasama sa isang unit para makapagbonding, parehas kase kame na mga flight attendant ang housemates. nabunutan ako ng tinik, nawala ang aking agam-agam kala ko kase ako lang ang nakakaramdam ng ganun, usually, kasi mga officemate ko okay naman experience kase meron silang mga call-a-friend sa malaysia. naisip ko itong si seatmate, local na cia. naiintindihan na nya ang mga salita, mas madali na sa kanya ang makipag-usap at madali rin sa kanya ang pagpili pagkain pero nalulungkot at nahihirapan din cia. so di lang pala ako may problemang ganoon. (naghanap ng kakampi, hehe!)

day 4

last day! yay! ang aga ng sundo namen, 0430. sa airport na lang ako kakain breakfast. sa wakas makakakain na rin ako ng something na nakakabusog. pancake meal na may kasamang hash brown at iced milo. *sigh* sawap! noong nakaorder na ko, tinanong ni seatmate kung pinakita ko raw id ko, sabe ko hinde. we have discount here! TOINKS!  next time na lang, enjoy ko na lang muna breakfast ko! :)
***
nakatulog naman ako on board kahit na may asungot sa harapan ko na daldal ng daldal non-stop sa loob ng 4 na oras na byahe. buti na lang may ipod kung hinde baka hinde ko napigilan sarili ko at pinagsabihan ko si kuya. 
***
ang balita ko may training ulet ako sa july, sana lang may kasabay na ako. at okay mga housemates at classmates ko. :) wish me luck! 

Tuesday, May 18, 2010

yeooouch!

i hurt myself (unintentionally). scraped my foot on the screen door's bottom edge. it hurts like hell! i was laughing and crying at the same time; laughing at my own stupidity and crying because it hurts real bad. i was crying for at least 10minutes.


after awhile the pain subsides, it's still there but it became bearable.

it got me thinking, life's like that, sometimes, we thought pain is the end of our lives but eventually it will subside and becomes bearable, until we cannot feel the pain anymore.

as they say, time heals all wounds.

Wednesday, May 12, 2010

back (b)log and blast from the past

I've check my drafts folder here in blogger and saw more than 5 entries that are waiting to be published. Some of the entries are about  3 more places I've visited, books that made me cry and  many more.

meanwhile, as i sort my entries on the draft folder. here's some of my favorites posts.

28 Realizations - lessons I've learned for the last 28 years.
The Myth - an urban legend among our barkada.
Updates - I listed my top 10 things to do, here are some of the things I've accomplished.
A look back - my reflections for 2008
Battle of the Brainless - laughtrip after work; my clueless colleague always crack us up (unintentionally).
A planned life - I thought I can mapped out my life.
RR Herrera - My struggles with the letter R.
I can - a father's unending love for his child, very inspiring.
Hell Week - one of the  most difficult time of my life.
Forever grateful - Thanking HIM for everything HE had done for me.
The one that got away - a lesson learned the hard way; as the love guru said, say what you feel.
Selfish me - letting go.
Single - of being single.

the last 3 posts are about matters of he heart or should I say matters of the hurt. hehe!

Hope you'll enjoy reading the posts.

Cheers!

Sunday, May 9, 2010

mother's day

Happy Mother's Day sa lahat ng mga ina. :)

Pinaabot ko ang aking pagbati sa aking mga 'Ina', ang mga taong nagsilbing ilaw sa aking buhay.

1. Mother
 - yan ang tawag ko aking mahal na nanay. hinde ko alam kung pano nagsimulang tawagin cia ng ganyan, pero yan ang term of endearment namen sa kanya. Hinde kame close ng nanay ko lalo nun bata pa ako, kase di naman ako lumaki sa piling nya. putol-putol yung mga taon na magkakasama kame (1-3,7-9 yrs old ako nun kasama ko siya).  Highschool hanggang college lang talaga kame nagkasama. sa ngayon okay naman kame at close na kame. Hanga ako sa nanay ko kase di matatawaran yung mga sakrispisyo nyang ginawa para sa amin. hanggang ngayon, yung pag-aalaga, pag-aasikaso nya walang kapaguran, walang hangganan. Napaka-selfless nya, para sa kanya na ibibigay pa nya sa amin.  

2. Nanay
- Si Nanay ang ina ng aking tatay, in short lola ko cia. may ilang taon din ako lumaki sa piling nya. nun bata ako 'iniwan' ako ng tatay ko sa kanya. Noong mga panahon na yun nagtatapos si 'mother' ko sa kolehiyo habang nagsisimula pa lang magtrabaho ang tatay ko. Si Nanay ang aking sandigan, kakampi at tagapag-tanggol lalo na sa mga mapang-alaska kong mga tito, tita at mga pinsan. Sadyang mapag-kalinga si Nanay, at sana sa mga susunod na buwan o taon ay magkasama na kame ulet. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na madalaw ko cia at ako naman ang mag-aalaga sa kanya. Dalangin ko na pahabain pa ng Diyos ang kanyang buhay at biyayaan pa cia ng malusog na pangangatawan. Hay, na-mimiss ko tuloy si Nanay. Noong huli naming pag-uusap tinatanong nya kung kelan ko daw cia bibisitahin, namimiss na daw nya ako, pinigil ko ang aking luha at sinabi ko na malapit na. sana nga... 

3. Maluz
- Noong 9 yrs old ako ay 'pinatapon' ako sa Tuguegarao para dun ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa grade 3-5. Magsisimula na rin kase mag-aral ang kapatid ko kaya siguro minarapat ng mga magulang ko na dun muna ako tumira. Ang kumupkop at nag-aruga sakin ay si Maluz (short for Mama Luz), ang ina ng aking 'mother'. Medyo istrikto ang lola ko na ito, madaming bawal, madaming 'batas' na dapat sundin. Pero okay lang, madami din naman ako natutunan sa kanya, lalo na pagdating sa responsibilidad at pagiging independent. Dahil din sa tulong ni Maluz ay nairaos ang aking pagtatapos sa college. Marami akong utang na loob sa aking lola, at balang araw ay sana matumbasan ko rin lahat ng naitulong nya sakin.

4. Tadz
- Tadz, ang pangalawang kapatid ni 'mother' ko. kala ng iba wala ko galang sa kanya kase Tadz lang tawag ko pero ang totoo nyan shortcut lang ang Tadz. Tita Deane ay naging 'Ta Dean hanggang sa naging Tadz na lang. May love-hate relationship kame nito ni Tadz, palagi kame nagkakaiinisan. Pag pumasok na si mother sa school at nasa opis naman ang tatay ko, kay tadz ako naiiwan, cia ang nagbabantay at nag-aalaga saken, nagsisilbing nanay ko for that day.
Pagtungtong ko ng grade 6, dahil nga palipat-lipat ako ng paaralan, ang tatanggap lang saken as transferee ay yung school na pinasukan ko nung grade1-2 ako sa Sampaloc, at sa QC na kame nakatira noon. Kaya kinukop ako ni Tadz sa kanyang bahay sa loob ng isang taon. Siya ang tumayong Nanay ko kapag weekdays (weekends kase umuuwi ako sa QC).


Sa tingin ko kahit nagpalipat lipat ako noon bata ako, maswerte pa rin ako dahil ang dami kong Nanay! Maraming Salamat sa inyo aking mga Nanay. Salamat sa tulong, pag-aaruga, pagdidisiplina, at higit sa lahat sa oras at pagmamahal na ibinigay nyo sa akin. Hinde matatawaran ang pagod at sakrispisyo nyo sa pagpapalaki sa akin, utang ko po lahat nng tinatamasa ko ngayon. I love you mga Nanay ko. I am forever grateful to all of you. :)

Monday, May 3, 2010

how NOT to attend a training

I have a training tomorrow. As per initial schedule, there were 2 of us attending the training. But when the final list was sent, I learned that I would be attending the training alone.

I dread attending the training alone specially when I get to stay at the condo. I have several unpleasant experiences there, like this loser moment which made me mad! and on a lighter note, i also have another loser moment, this time, with Joshua.

Been to Kuala Lumpur many times but in the past years we stay at the airport hotel. Even though it is far from the city, it's accessible. And I can go to the city anytime all by myself. Meanwhile, the condo that we were at, is near the city but not that accessible. It's a residential area, mostly people there have cars so the only transpo that we can avail of is a taxi.

Over the past days, I have thought of schemes on how NOT to attend my training.

scheme#1 pretend that I lost my passport.
scheme#2 tell them that my passport is still with DFA for renewal
scheme#3 deliberately miss my flight! I'll show up late!
scheme#4 feign a contagious diseases such as chicken pox and sore eyes. i will definitely be offloaded from flight.
scheme#5 staged a mini-mishap, as bogart suggests, a mishap with semi-crippling effect, like sprained ankle which would require me on cast.

anyway, wish me luck. hopefully next month no more training. but I doubt it! 

Sunday, May 2, 2010

i heart Ilocos DAY 4: Viva Vigan!

Viva Vigan

Here's a rundown of what we've done on our 4th day in Ilocos.

Vigan Longganisa

Got a chance to taste Vigan’s famous longganisa during breakfast. It has a powerful taste of garlic in it compared to the normal sweet tasting longganisa in Manila. 


Kalesa tour
We availed of the Kalesa Tour which brought us to different Vigan sites.

St. Augustine Church and Bell Tower





Crisologo and Syquia Museum

The Crisologo is one of Ilocos Norte’s famous political family. The museum showcased the assassination of the elder Crisologo.

Syquia museum shows the late President Elpidio Quirino’s home and life. Some interesting piece I saw was the replica of  Juan Luna’s Spolarium, old expresso bottles, antique furnitures and a very old fashion ref which functions without electricity.




Baluarte
Chavit Singson’s private zoo where his pets are kept. It is open to public for free. There were different kinds of birds, zebras, camel, monkeys, snakes, tigers and more , and a butterfly farm. We were also able to watch animal show.

Hidden Garden
A private owned garden cafe where we can buy plants; or can just chill with nature; of maybe you can do both.







Power Lunch
After the Kalesa Tour, we went back to the hotel to pack our things and do some last minute pasalubong shopping. Our plan was to leave Vigan at 6pm, so before leaving we need to fill our hungry stomachs. Ate at Café Leona, we wanted to dine outside on the streets to experience the al-fresco dining like eating along Paris’ side streets but it was too hot to stay outside. We just ate inside and imagine we were somewhere else since everyone inside are foreigners. We tried sisig bagnet; can't have enough of bagnet. hehe!


Goodbye!
@630pm, we bade Vigan goodbye and endured the 8-hour bus ride going home.




I think Vigan is good for an overnight tour, though colonial houses are must see. it's just 3-6 blocks of cobble-stoned streets and Spanish styled houses which you can explore in a day. Vigan maybe your staring point to see Ilocos region, or maybe your last stop, just like what we did. Either way, you'll definitely enjoy Ilocos region. See yah!


5000PHP or less

several people asked me how much my Ilocos tour cost. I'll give you the breakdown of my expenses...

day1     manila-pagudpud bus via RCJ        500
            brunch (saud beach resort)           150
            dinner (terra rika)                        150
            entrance fees/tips/ misc expenses  100     
Total for day1= 900

day2    brunch (saud beach resort)              150
           dinner (emohour restaurant)           150
           polaris resort (2400/2 nyts/ 3pax)   800   
 Total for day2=1100

day3   lunch                                              150
          dinner (max's restaurant)                150
          guide/van transpo (5500/5pax)      1100
          laoag-vigan bus                               120     
Total for day3=1520

day4 grandpa's inn (2100/1nyt/3pax)        700
         lunch (cafe leona)                            150
         kalesa tour (600/3pax)                    200
         bus to MNL                                     370     
Total for day4= 1420

GRAND TOTAL = 4940PHP
*this does not include pasalubong expenses

this would be even cheaper if you bring your own food for breakfast like cup noodles, biscuits and breads, and if you have a larger group to share the expenses with.

Ilocos smitten us; hope you can visit it too!
tired but enjoyed Ilocos!