Pages

Sunday, May 9, 2010

mother's day

Happy Mother's Day sa lahat ng mga ina. :)

Pinaabot ko ang aking pagbati sa aking mga 'Ina', ang mga taong nagsilbing ilaw sa aking buhay.

1. Mother
 - yan ang tawag ko aking mahal na nanay. hinde ko alam kung pano nagsimulang tawagin cia ng ganyan, pero yan ang term of endearment namen sa kanya. Hinde kame close ng nanay ko lalo nun bata pa ako, kase di naman ako lumaki sa piling nya. putol-putol yung mga taon na magkakasama kame (1-3,7-9 yrs old ako nun kasama ko siya).  Highschool hanggang college lang talaga kame nagkasama. sa ngayon okay naman kame at close na kame. Hanga ako sa nanay ko kase di matatawaran yung mga sakrispisyo nyang ginawa para sa amin. hanggang ngayon, yung pag-aalaga, pag-aasikaso nya walang kapaguran, walang hangganan. Napaka-selfless nya, para sa kanya na ibibigay pa nya sa amin.  

2. Nanay
- Si Nanay ang ina ng aking tatay, in short lola ko cia. may ilang taon din ako lumaki sa piling nya. nun bata ako 'iniwan' ako ng tatay ko sa kanya. Noong mga panahon na yun nagtatapos si 'mother' ko sa kolehiyo habang nagsisimula pa lang magtrabaho ang tatay ko. Si Nanay ang aking sandigan, kakampi at tagapag-tanggol lalo na sa mga mapang-alaska kong mga tito, tita at mga pinsan. Sadyang mapag-kalinga si Nanay, at sana sa mga susunod na buwan o taon ay magkasama na kame ulet. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na madalaw ko cia at ako naman ang mag-aalaga sa kanya. Dalangin ko na pahabain pa ng Diyos ang kanyang buhay at biyayaan pa cia ng malusog na pangangatawan. Hay, na-mimiss ko tuloy si Nanay. Noong huli naming pag-uusap tinatanong nya kung kelan ko daw cia bibisitahin, namimiss na daw nya ako, pinigil ko ang aking luha at sinabi ko na malapit na. sana nga... 

3. Maluz
- Noong 9 yrs old ako ay 'pinatapon' ako sa Tuguegarao para dun ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa grade 3-5. Magsisimula na rin kase mag-aral ang kapatid ko kaya siguro minarapat ng mga magulang ko na dun muna ako tumira. Ang kumupkop at nag-aruga sakin ay si Maluz (short for Mama Luz), ang ina ng aking 'mother'. Medyo istrikto ang lola ko na ito, madaming bawal, madaming 'batas' na dapat sundin. Pero okay lang, madami din naman ako natutunan sa kanya, lalo na pagdating sa responsibilidad at pagiging independent. Dahil din sa tulong ni Maluz ay nairaos ang aking pagtatapos sa college. Marami akong utang na loob sa aking lola, at balang araw ay sana matumbasan ko rin lahat ng naitulong nya sakin.

4. Tadz
- Tadz, ang pangalawang kapatid ni 'mother' ko. kala ng iba wala ko galang sa kanya kase Tadz lang tawag ko pero ang totoo nyan shortcut lang ang Tadz. Tita Deane ay naging 'Ta Dean hanggang sa naging Tadz na lang. May love-hate relationship kame nito ni Tadz, palagi kame nagkakaiinisan. Pag pumasok na si mother sa school at nasa opis naman ang tatay ko, kay tadz ako naiiwan, cia ang nagbabantay at nag-aalaga saken, nagsisilbing nanay ko for that day.
Pagtungtong ko ng grade 6, dahil nga palipat-lipat ako ng paaralan, ang tatanggap lang saken as transferee ay yung school na pinasukan ko nung grade1-2 ako sa Sampaloc, at sa QC na kame nakatira noon. Kaya kinukop ako ni Tadz sa kanyang bahay sa loob ng isang taon. Siya ang tumayong Nanay ko kapag weekdays (weekends kase umuuwi ako sa QC).


Sa tingin ko kahit nagpalipat lipat ako noon bata ako, maswerte pa rin ako dahil ang dami kong Nanay! Maraming Salamat sa inyo aking mga Nanay. Salamat sa tulong, pag-aaruga, pagdidisiplina, at higit sa lahat sa oras at pagmamahal na ibinigay nyo sa akin. Hinde matatawaran ang pagod at sakrispisyo nyo sa pagpapalaki sa akin, utang ko po lahat nng tinatamasa ko ngayon. I love you mga Nanay ko. I am forever grateful to all of you. :)

2 comments:

pmm012 said...

aba at nag-aral ka din pala sa tuguegarao! ako din from kinder to grade 1 nga lang.. hehehe

gaiLie said...

ahaha! talaga? san ka nag-aral? taga-tuguegarao ka di pala. :)