Noong mga nakaraang buwan usap usapan ang naganap na pagtawag ng menopausal b%@t*^ ng isang Party-list Representative sa isang customer service agent ng isang airline.
Sa totoo lang, kundi man linggo-linggo na nangyayari ito sa trabaho namen ay isang beses sa isang buwan may nagaganap na ganito. Sabi nga ni Senator Miriam Santiago, "I eat death threats for breakfast"! Well, well, well, kame rin!!! Sabay kme mgbreakfast ni Madam Senator eh! wahaha!
Siguro sadyang meron mga taong di makaintindi o ayaw umintindi. Ginagawa lang namen trabaho namen at sumusunod lang din sa patakaran kumpanya. Gusto rin namen tumulong at mapasaya lahat pero di nman lahat ng gusto nila ay pwedeng masunod.
Walong taon na rin ko sa larangang ito, marami na ko naranasan. Hindi ko nilalahat pero may mangilan-ngilan na nawala na ata ang kabutihang asal.
* Mga tao na napalitan lang ang kanilang citizenship kala mo kung sino na kung makapang hamak ng kapwa at parang kinamumuhian ang kanyang lahi. Minsan ang sarap sumagot, kung pwede ko lang silang sagutin na, Teh, di mo maitatwa ang pagiging pinoy mo! Kulay, height at ilong pa lang give away na.
* Meron din na porke't akala nila mas mataas pinag aralan nila samen pwede na nila kameng maliitin. FYI, nakatapos po kame lahat sa kolehiyo, university grad po kame.
* Meron din na astang mayayaman na kung makapagdemand ay kala mo nabili ka na nya at pwede ka na nyang gawing alila. Ang sarap sumagot sa kanila ticket lang po nabili nyo hinde po ang pagkatao namen.
Di ko alam kung matatawa na lng ba kame o maiinis o maloloka sa nararasanan nmen sa counter. Ito yung ilan sa mga narinig ko na nasabi ng mga pasahero samen ng mga ksamahan ko.
(lahat po ng ito ay totoo, at walang exaggeration...)
- 'maitim ang budhi mo! di ka pupunta ng langit! buhay ka pa sinusunog kaluluwa mo!' ang sabi ng isang lalaki nung sinisingil cia ng excess baggage ng kasama ko.
- 'you're english is pathetic!' ang sabi ng isang lola (pinoy na 1st world country na ang hawak na passport) dahil di american accent ang pagsalita ng english ng kasama ko.
- 'magsuntukan na lang tayo sa labas' ang hamon sa kasama ko nang hinanapan nya ng mga proper travel document ang pasahero.
- sinungaling ka! p*+@ng!*# mo! (repeat to fade) ang sinabi saken ng pasahero dahil di ko cia marebook kasi fully booked ang flights. ( dito ko napaiyak dhil sa sama ng loob!)
Aaminin ko na mga tatlong beses na ko napaiyak dahil sa mga natanggap ko na masasamang salita sa mga pasahero. Tao lang din naman kame, nasasaktan. Halos lahat na ata klase ng mura natanggap na namen, may F word na ibat-ibang lenguahe pa at dialect, di ba bongga?! May instant lesson sa foreign language.
Sa linya ng aming hanapbuhay kailangan mabilis kame magbago ng mood. Pagkatapos mong makipagtalo sa isang pasahero dapat sa susunod naka ngiti ka na ulet na parang walang nangyaring masama mga ilang minuto pa lang nakakaraan. Kailangan matatag at mapacencia ka, coz everyday is a test; so scream (your lungs out after each flight), leave (all those negative comments behind) and survive (another day)!
Uulitin ko, hindi ko nilalahat may mga kaunti na lang na nalihis ang pag-uugali.
Pagpasensyahan nyo na kame kung medyo hinde perky at friendly dating namen sa inyo. Sa loob ng isang araw ilang daang tao makakasaluha namen, ilang daang ugali, ilang daang personalidad, ilang daang pangangailangan na kailagan ng tugon kaya sana minsan konting pang unawa din hinihingi namen.
Sa aking pananaw may magandang rin na kinahantungan ang nangyari na pagsasampa ng kaso nung agent dun sa kongresista; kase nabigyan rin ng 'mukha' ang mga kagaya naming passenger service agents na hahamak. Pero di rin naman ito excuse para sa mga kapwa ko passenger service agents na magtaray o magsungit sa mga pasahero.
Ika nga nila, that's my 2 cents worth on this matter.
Kaya sa susunod na paglipad nyo, maisip nyo rin sana yung mga nasa likod ng counter.
Have a nice flight!
No comments:
Post a Comment