pagkatapos ng 4 na araw, nakabalik naman ako ng buhay, mga 3 araw lang naman ako hinde nakakain ng maayos. sa totoo lang, okay naman yung training ko. bomb threat, emergency response, first aid (cpr) at dangerous goods. exciting topics di ba? napaka relevant! parang ang target ng mga terorista ngayon ay ang aviation/airline industry kaya kailangan maging alert at handa.
makalipas ang 2 taon, umayos naman na ang sistema ng pagsundo at paghatid sa mga dumadating na trainees gaya ko.siguro noon kase kakalipat pa lang sa condo kaya di pa plantsado ang mga procedure sa paghatid at pagsundo.
***
wala pang tao pagdating ko sa condo, habang nag-aantay,binuksan ko ang aircon at naisipan kong maglaro ng plants vs zombies sa may sala. mayroon akong narinig na tumunog pero di ko pinansin hanggang naging sunod-sunod na yung tunog at naging constant. nainis na ako at hinahanap kung saan nanggagaling yung tunog. ang naririnig ko pala ay ang pagpatak ng tubig mula sa aircon at ang napapatakan nito ay ang TV at and DVD player! HALA! PANIC MODE! wala akong makitang basahan , buti na lang may rolyo ng tisyu sa lamesa. hay, adrenaline rush! binuksan ko yung TV, testing lang kung gagana, salamat po at gumana naman! di ko lang alam dun sa DVD, deadma na lang! (secret na lang naten ha, wag nyo ko isumbong.)
***
dumating na ang mga housemates ko. pagkatapos magpakilala at konting chika. tinanong ko sila kung san sila kakain ng hapunan, magluluto na lang daw sila ng noodles. concern naman sila saken, sabe nila tumawid lang daw ako sa kabilang kanto at may kainan daw dun. bumili na lang tuloy ako ng instant cup noodles sa convenience store sa may lobby. habang nag-iinit ako tubig, busyng-busy sila sa pagkukwentuhan sa salitang di ko maintindihan.(alam nyo kung san ang mga red shirt protestors, taga doon mga housemate ko). nakakahiya naman na makisali sa kanila kaya sa sala na lang ako kumain at nanood ng tv. (ang totoo nyan tinesting ko lang kung gumagana pa ang tv. hehe!) siguro sadyang ugaling pinoy lang talaga ang nag-aaya/nag-aalok pag kumakain, hinde naman sa gusto kong makikain sa pagkain nila, naisip ko lang kase na kung ako yung nasa lugar nila, mag-aalok din ako ng pagkain. hay, 1ST NIGHT pa lang to, GOODLUCK!
day 2
0530 pa lang gising na ako, ayoko na maulit yung dati na naiwan ako ng bus. alam nyo yung feeling ng new kid sa unang araw ng pasukan, ganun ang nararamdaman ko. buti na lang mabait ang seatmate ko sa bus, at classmate ko pala cia sa training. masaya naman ang training, madami nanaman akong nakilala sa iba't-ibang parte ng Asya.
***
uwian na, may bago akong pag-asa! mukhang may makaksabay ako kumain ng hapunan dahil fwends na kame ni seatmate! gutom na gutom na ako di ako nakakain ng mabuti nung lunch dahil kakaiba mga pagkain sa cafeteria. noong mga nakaraang training nakakakain pa ko ng maayos, okay pa mga pagkain nila pero ngayon di ko talaga makain. kaya nilakasan ko na loob ko at tinanong ko si seatmate kung san siya kakain dinner. sabe nya lalabas daw siya at kakain sa tapat. di na ko nagkaroon ng lakas ng loob na i-self-invite ang sarili ko sa lakad nya. bigla na ko nahiya. :( pagdating nung bus sa condo, yung 2 kong housemate hindi umakyat nakita ko tumawid sila sa tapat, marahil ay doon sila kakain dinner. kaya mag-isa nanaman ako kumain ng hapunan kasama ang 1 cup noodle at 1 slice ng banana cake. na-DIEt ako ng di oras!
day 3
exciting ang first aid, mag-CPR nanaman kame. may practical exam. nagdadasal ako na wag akong sumunod dun sa lalaki kong classmate, gusto ko babae ang susundun ko. habang nagdadasal ako na wag ako tawagin, tsaka ko naman narinig ang instructor na, 'okay, next is ms. philippines'. NYIKES! PATAY NA!
***
lunch time, nakita ko ang menu, mukhang promising! makakain na ako, ayuz! ang pinili ko ay squidball with tofu (parang tokwa't baboy saten, pero instead na baboy ginawang squidball. bawal kase baboy dun kase muslim country yun eh). tsaka togue na may sabaw ang inorder ko. pwede! pagkain ko walang lasa yung squidball, at yung toyo na sabaw nya wala rin lasa. yung togue naman sobrang anghang! kumakain ako ng maanghang na pagkain pero ito di ko kinaya. lunch: FAIL!
***
dinnertime, tinanong ako seatmate ko kung saan ako kakain, sabi ko baka sa kwarto ko na lang ako kakain. inaya nya ako kumain sa labas kung gusto ko daw, naawa siguro saken kase alam nya 2 gabi na ko kumakain ng instant noodles.8pm, nagkita kame sa lobby.
***
habang nagkukwentuhan kame, nalaman ko na parehas pala kame ng sentimiento, nalulungkot din cia pag nakatira kame sa condo. hinde nga kase accessible. di rin nya gusto na 1 lang ang pinapadala pag may training, parehas kase kame na maliit ang station. kaya isa-isa lang ang napapadala. sabi pa nya dapat yung mga magkakaklase ang magkakasama sa isang unit para makapagbonding, parehas kase kame na mga flight attendant ang housemates. nabunutan ako ng tinik, nawala ang aking agam-agam kala ko kase ako lang ang nakakaramdam ng ganun, usually, kasi mga officemate ko okay naman experience kase meron silang mga call-a-friend sa malaysia. naisip ko itong si seatmate, local na cia. naiintindihan na nya ang mga salita, mas madali na sa kanya ang makipag-usap at madali rin sa kanya ang pagpili pagkain pero nalulungkot at nahihirapan din cia. so di lang pala ako may problemang ganoon. (naghanap ng kakampi, hehe!)
day 4
last day! yay! ang aga ng sundo namen, 0430. sa airport na lang ako kakain breakfast. sa wakas makakakain na rin ako ng something na nakakabusog. pancake meal na may kasamang hash brown at iced milo. *sigh* sawap! noong nakaorder na ko, tinanong ni seatmate kung pinakita ko raw id ko, sabe ko hinde. we have discount here! TOINKS! next time na lang, enjoy ko na lang muna breakfast ko! :)
***
nakatulog naman ako on board kahit na may asungot sa harapan ko na daldal ng daldal non-stop sa loob ng 4 na oras na byahe. buti na lang may ipod kung hinde baka hinde ko napigilan sarili ko at pinagsabihan ko si kuya.
***
ang balita ko may training ulet ako sa july, sana lang may kasabay na ako. at okay mga housemates at classmates ko. :) wish me luck!
4 comments:
FUN goddess! sana nga matuloy training mo! and nothing beats a business trip with good housemates around :D Miss you!
@goddess nikki: naku goddess, itong last kong training hinde masyado fun. although yung course and mga classmates ko masaya. malungkot pag uwian at dinnertime. :( cabin crew kase mga housemate ko may sarili mundo palagi kase nagaaral. sana sa July okay mga housemates ko.
miss you too! kelan tayo magkita kitz?!
hindi ka ba adventurous pagdating sa pagkain??
@paolo: medyo adventurous naman ako sa pag-try ng foods. :) may mga favorite naman ako na malaysian foods, yun nga lang yun mga sinerve sa cafeteria that day medyo ma-curry parang indian style. yun ang di ko type. hehe!
Post a Comment