napakakulay talaga ng buhay ng isang commuter!
Kaninang tanghali, sa loob ng fx, may babaeng umupo sa tapat ko. mukha naman ciang okey. Tinanong pa nya ko kung magkano pamasahe. At nilabas nya ang coin purse nya at may dahan-dahan siyang dinudukot sa loob. Akala ko pera pambayad, kendi pala ung kinukuha nya, nang bigla na lang ciang sumigaw ng malakas na BAH! nagulat ako! Kakasakay lang nun katabi ko kaya hinde ko alam kung narinig nya o nasaksihan nya yung pangyayari. Kaya naisip ko na baka guni-guni ko lang ang lahat siguro dahil sa pagod at sama ng pakiramdam kaya kung anu-ano naiisip ko. Nang naniningil na ung barker, pagka abot nung babae ng pera bigla nanaman siyang sumigaw ng BAH! naisip ko baka short for bayad un! ehehe! Pati ung taga-singil napatingin sa kanya, ibig sabihin hinde guni-guni ang lahat.
Umuusad na ang fx, pagkaliko namen sa Commonwelt Avenue narinig ko nanaman ang mahiwang kataga, BAH! Hinde ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. Baka kase practical joke lang yun o baka naman may diperensya nga sa pag-iisip o maysakit yung babae. Natatakot ako baka saktan nya ko, baka sabunutan o suntukin ako lalo na magkatapat lang kame, madali lang nya ako maabot. Hinde na rin ako bumaba ng fx tutal naman lalaki ung katabi ko matutulungan naman nila siguro ako.
Pagdating sa Sandigang Bayan, bumaba na yung katabi kong lalake. At ayun nanaman si Ate, binanggit ang magic word, at 2 beses pa nga inulit. Yung driver, napapatingin na lang sa rear view mirror nya at napapa iling. Yung babae na natutulog, nagising at napalingon kay Ate. Ako naman, lingon ng lingon sa labas tinatanaw kung nasaan na ko, kung malapit na ba ko bumaba. Isang lalake na lang ang natitira sa likod, ung katabi ni Ate. Sa kasamaang palad, medyo may edad na si Kuya at foreigner pa, sana matulungan nya ko!
Pagkatapos ng ilang minuto, may pumara ulet. Buti na lang, ang bumaba ung nasa estudyanteng nakaupo sa gitna hinde ung Koreano na katabi ni Ate. Sa pagbaba nun estudyante, sumigaw na naman ng malakas si Ate... BAH! Hinde na siguro ito practical joke kase dalawang pasahero na bumaba wala pa rin nagsasabi na may hidden camera. wahaha! asa pa ko!
Ilang kanto na lng, bababa na ko. Sa wakas, sa pagsara ko ng pinto, may pahabol na message saken si Ate, at ang sabe nya...BAH! Goodluck na lang dun sa Koreano na naiwan sa likod. Mukha namang harmless si Ate.
hay... makulay talaga ang buhay ng isang commuter... kita kitz sa muling byahe...
4 comments:
nabitin ako, feeling ko kasi may punchline sa dulo.. hehe. at least bah! lang sinasabi nya, may nakasakay ako dati, inaaway nya ung ibang pasahero ng walang dahilan.. hahaha.
wahaha! wala pa naman ako nakakasakay na ganyan. scary un!
buti ikaw, hinde ka inaway nun pasahero. :P
heheheh nice ..! ang kulet ng pasahero..!
BAH kng aq nandon tatawa aq ng tatawa..! hahaha
BAH!
angaling nmn nung pasaherong yun. :)) entertainer eh. XD lol.
Post a Comment