nun nasa van ako nun isang araw, may nakasakay ako na 2 babae, nagsasalita sila sa kanilang dialect. naiintindihan ko kung ano ung pinag uusapan nila pero hinde ko malaman kung saan dialect un... hinde naman sa gusto ko mag eaves drop pero maingay sila mag usap. at ayun, Ybanag pala usapan nila, mga ilang minutes bago ko nalaman kung ano dialect nila.
minsan kase....nalilito ako, napaghahalo-halo ko yung mga salita. marunong ako mag Waray, nakakapagsalita ako nito at kaya ko makipag usap ng Waray, pero hinde ako ganun ka-bihasa. Ilokano at Ybanag, marunong ako umintindi, kung basic ang tanong kaya kong sagutin ito sa Ilokano o Ybanag. sa ngayon dahil nasa Pampanga ako, medyo nakakaintindi na rin ako ng konting Kapampangan.
sa dami nito minsan napagbabaliktad ko na yung iba... may nagtatanong saken ng Kapampangan, ang sagot ko pala Ilokano! dati buong akala ko ang salitang 'akas' ay tagalog. sinabihan ko pa yung classmate ko nun college, 'di mo alam ang akas?! tagalog kaya yun?!' akas ay yung pagkuha ng sampay. nalaman ko na lang na Ilokano pala un! wahaha! antagal bago ko nalaman! wahaha!
minsan pa sa opisina, Gailie: law, paabot naman ng 'lastiko'. nakatingin lang saken si law. nainis pa ko sa kanya, inulit ko pa, 'law, lastiko!!!'. tawa ng tawa si Mimi kase Ilokano din daw ung salitang lastiko. dapat pala rubber band o kaya goma sinabi ko. hay...confused na talaga ako!
si Mimi marunong mag Ilokano, minsan kinakausap nya ko sa Ilokano at ang sagot ko ay Ybanag! wehehe! nakakahilo rin pala ang madaming alam na salita. pero may advantage din naman, sabe nga nila hinde ka mabebenta kung nakakaintindi ka ng ibang dialect. isa pang advantage ay yung ibang salita parang foreign language. nung may Spanish ako nun college, madali lang saken yung ibang vocab kase parang Waray lang.
Limpia - sa Waray ibig sabihin malinis, gnun din pala sa Spanish (limpiar - to clean)
Tomar - sa Waray ibig sabihin inom (gamot) parehas din sa Spanish
tapos ang Kapampangan parang Malaysian lang...
Nasi - kanin; sa Bahasa ganun din meaning
minsan naman may magkapareho...
Mangan - Ilokano at Kapampangan parehas na kain ang ibig sabihin
Danum - tubig; parehas sa Ilokano at Kapampangan
meron din words na magkapareho pero magkaiba meaning depende sa dialect...
Tak-ki - sa Ybanag , paa; Ilokano, dumi ng tao (t*e)
kaya minsan pagpacenciahan nyo na ko kase napaghahalo halo ko ung iba't ibang dialect!

No comments:
Post a Comment